Thursday, July 1, 2010

Welcoming Ybiang to Mommyhood via FB Chat

Moi: Kumusta ang new mommy?

Ybiang: Nakaka in-love si Una!.

(Note: It has to be Una! with the exclamation point as per Una!'s dad, Winner B.)

Moi: Dinalaw ka na ni Poks?

Ybiang. Oo, sa hospital, pero hindi nya pa nakikita si Una! nun. Nagkita na kayo ni Donna?

Moi: Hindi pa, sis. Balak namin some time next year pag hindi masyadong busy kami pareho.

Ybiang: Kumusta naman ang love life mo?

Moi: Naku, andun sa Dead Sea, palutang-lutang. Si Poks ang magandang tanungin nyan.

Ybiang: Oo nga e. Mukhang papakasal na ang lola mo.

Moi: Oo nga. Nagusap kami the other day. Sabi nya hindi daw talaga nya ineexpect yung mga nangyayari sa kanila and it's all good daw. Sabi ko, para syang kaka-debut lang. Tipong kahit text chat lang eh mafi-feel mo yung kilig sa kanya.

Ybiang: Hahaha.

Moi: Kaya ang lola mo nagwa-water water. (Eherm, excuse the puns I sometimes have to throw.) Maganda nun, hindi sya nagexpect sa una pa lang so mas exciting nga talaga on her part at unexpected. Kaya ako, palakad lakad na lang din ako sa kalye ng hindi din nageexpect...

Ybiang: Baka may matisod ka pa, hahaha! Pero sis, blooming ka dyan. At least, naaalagaan mo sarili mo.

Moi: That's the least I can do for myself. Least pa yun ha, ano na lang kaya kung best. Baka nagpost na ako ng pictures sa FB na naka 2-piece swimsuit ako. LOL

Ybiang: Talaga, naglalakad ka lang?

Moi: Yup. Yun na pinaka exercise ko. One hour a day after work pag maganda weather.

Ybiang: Talaga?

Moi: Oo. Enjoy naman, lalo na pag wala ka ng pera pamasahe, pipilitin mo talagang magenjoy maglakad, haha. Pag mga one block away na lang ako, sa sobrang pagod ko, kama na nakikita ko sa kalsada.

Ybiang: Hahaha, komedyante ka talaga.

Moi: Baka bumuka tahi mo.

Ybiang: Sis, crylalu na si Una!. Hindi mapatahan ng daddy kaya go muna ako.

Moi: Sige, go lang. Kisses to Una! saka kay daddy, hahaha. Kisses, sis!

Ybiang: Bumuka talaga yung tahi ko the other day, seryoso yun.

Moi: Yikes!

No comments:

Post a Comment